NAKUHA ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tinatayang P4.2 milyon halaga ng shabu sa Cadiz, Negros Occidental.
Ayon kay PDEA Region 6 regional director Paul Ledesma, umaabot sa 500 hanggang 600 gramo ng shabu ang kanilang nasabat sa isang pension house na nagsisilbing hideout ng bigtime drug personalities sa Negros Occidental at Cebu upang kumuha ng suplay.
Sinabi ni Ledesma na bago ang operasyon ay nakatanggap sila ng report na may drug personalities mula sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan ang nagtipon-tipon sa nasabing pension house sa Villena Street na nagtugma naman sa lokasyon na ibinigay ng PDEA-NCR na pinagdadalhan ng stocks ng mga shabu.
Pinaniniwalaan na ang mga malaking box na pinadala sa pamamagitan ng isang courier service ang naglalaman ng shabu, ang hinihintay ng mga durugista na nagtitipon sa lugar simula pa noong isang araw.
Arestado sa buy-bust at interdiction operation si Jonathan Badilles samantala, nakatakas naman ang isa pang suspek na kinilalang si Reyland Majarucon, sinasabing lider ng mga kumukuha ng suplay ng droga.
The post P4M shabu narekober sa Negros Occidental appeared first on Remate.