Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Nahagip ng tren; mason putol ang paa

$
0
0

NAPUTOL ang isang paa at durog naman ang isa pa ng 43-anyos na mason matapos mahagip at makaladkad ng tren ng Philippine National Railways kaninang umaga sa Antipolo St., kanto ng Jose Abad Santos sa Sta. Cruz, Maynila.

Nilalapatan pa ng lunas sa Ospital ng Tondo ang biktimang si Max Padon.

Naganap ang insidente bago mag-alas-7 ng umaga kanina habang papadaan ang tren na patungong Tutuban.

Ayon kay Lito Liaban, foreman ng Aleway Construction, nagsasagawa sila ng rip-rapping sa isang flood control canal sa tabi ng riles nang tumawid ang biktima at makaladkad ng tren.

The post Nahagip ng tren; mason putol ang paa appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129