IKINASA na ng Philippine National Police (PNP) partikular ang team ng Civil Disturbance Management (CDM) personnel para sa nakatakdang kilos-protesta ng iba’t ibang militanteng grupo ngayong araw, Labor Day.
Magde-deploy ng CDM team ang PNP sa iba’t ibang protest areas dito sa Metro Manila.
Ayon kay PNP PIO, Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, nasa heightened alert ngayon ang buong pwersa ng Pambansang Pulisya sa buong bansa para sa isasagawang kilos-protesta.
Tiniyak ni Sindac na maximum tolerance ang ipatutupad ng mga police personnel laban sa mga raliyista.
Ayon sa heneral, wala umano silang namomonitor na anomang banta sa seguridad sa pagdiriwang ng Labor Day ngayong araw.
The post PNP nakakasa na para sa Labor day protest ngayon appeared first on Remate.