NAGPALUTANG-LUTANG sa Ilog Pasig ang bangkay ng isang tauhan ng Philippine National Red Cross sa Port Area, Maynila.
Sa report ng pulisya, nakilala ang biktima mula sa kanyang ID na si Joel Tano, edad 40-45, nakasuot ng itim na t-shirt at brown short pants.
Napansin ng isang Norberto Silvestre, tanod sa nasabing lugar ang katawan ng biktima na palutang-lutang sa ilalim ng Delpan bridge sa Bonifacio Drive, Port Area, Manila alas-4:00 kahapon.
Agad humingi ng tulong si Silvestre sa bangkero upang maiahon ang biktima sa ilog.
Wala namang nakitang sugat sa katawan ng biktima kaya hinihinalang nahulog ito sa ilog.
Pansamantalang inilagak ang labi ng biktima sa Saint Rich Funeral.
The post Bangkay ng tauhan ng PRC, natagpuan sa Ilog Pasig appeared first on Remate.