Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Barangay kagawad pinatay sa loob ng bahay

$
0
0

TODAS ang isang barangay kagawad matapos barilin ng hindi nakilalang suspek sa loob ng kanilang bahay kaninang madaling-araw sa Binondo, Maynila.

Sa inisyal report, kinilala ang biktima na si Jesus Lita, kagawad ng Barangay 286, Zone 26.

Natutulog ang biktima sa loob ng kanyang bahay sa 565 Valderama Street, Binondo, Maynila nang pagbabarilin ng ‘di nakilalang suspek.

Tinangka pang isugod sa Mary and Child Hospital ang biktima subalit hindi na umabot pang buhay sanhi ng tama ng bala ng kalibre .45 sa katawan.

Nabatid na aktibo ang biktima sa kampanya laban sa kriminalidad at droga kaya ito ang tinitingnang motibo sa pamamaslang.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

The post Barangay kagawad pinatay sa loob ng bahay appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>