Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Sundalo naka-jackpot sa lotto

$
0
0

NAIUWI na ng isang 32-anyos na sundalo ang mahigit P9 na milyon na solong napanalunan nito sa 6/42 Lotto na binola noong Pebrero 12 sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Pasay City.

Lumuwas pa papuntang Maynila mula sa Cebu ang nasabing instant milyonaryo upang kubrahin kabuuang halagang P9,956,989.80 na jackpot prize na katumbas ng nakuha niyang tamang kombinasyong 17-30-13-39-05-19.

Ayon kay PCSO general manager Jose Ferdinand Rojas II, kinailangan munang gumawa ng matibay na dahilan sa kanyang superior officer ang sundalo upang payagang makapagbakasyon kaya’t kahapon lamang nito nakuha ang napanalunang jackpot prize.

Sinabi ng nagwagi na dahil hindi pa rin sila nagkakaroon ng anak ng kanyang may-bahay, handa siyang magbigay ng donasyon sa simbahan at balato sa kanyang magulang, siyam na kapatid at mga kaanak habang paglalaanan din ang pagbili ng bahay at lupa.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Girasoles para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


“Tado” Jimenez Quotes Collections Online


EASY COME, EASY GO


5 Tagalog Relationship Rules


“BAHAY KUBO HUGOT”


RE: Mutton Pies (frankie241)


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Pokemon para colorear



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>