PATAY ang isang kelot matapos tadtarin ng saksak ng dati niyang kaalitan kaninang madaling-araw, Mayo 4, sa tapat ng Baron KTV bar sa Northbay Boulevard South, Navotas City.
Dead-on-the spot ang biktima na kinilala lamang sa alyas “Baho” 40.
Agad namang naaresto ang suspek na si Joma Sta. Maria, 37, ng 19 M. Aquino St., Niugan, Malabon City.
Sa imbestigasyon, ala-1:30 kaninang madaling-araw nang maganap ang krimen sa nasabing lugar.
Naglalakad ang biktima sa nasabing lugar nang makasalubong ang suspek na agad bumunot ng patalim at sinaksak ng biktima.
Nabatid na may dati nang alitan ang una at huli.
The post Kelot utas sa dating kaalitan sa Navotas appeared first on Remate.