NANAWAGAN si Puerto Princesa Bishop Pedro Arigo sa gobyerno na tugunan ang lumalalang problema sa kaso ng sex tourism hindi lamang sa Palawan kundi sa buong bansa.
Ginawa ng Obispo ang kanyang panawagan kasabay ng pag-aalala sa pagtaas ng nasabing kaso sa lalawigan.
Aminado ang Obispo na bagama’t malaki ang naitutulong sa lalawigan ng paglago ng industriya ng turismo ay nangangamba pa rin ito sa unti-unting pagtaas ng kaso ng child exploitation at sex tourism.
Dapat aniyang manatiling “wholesome”, “healthy”, at malinis ang turismo sa Palawan.
“Let’s keep eco-tourism as what it is and not by adding immoral and malice practices,” ayon pa kay Bishop Arigo.
The post Sex tourism sa Palawan nakakapangamba appeared first on Remate.