NASUNOG ang isang residential area sa bahagi ng Banawe Street sa Barangay Sto. Domingo, Quezon City, kaninang umaga, Mayo 4.
Alas-7:58 ng umaga nang mag-umpisa ang sunog sa garahe ng isang dalawang palapag na bahay na pag-aari ng isang Richard Tan.
Ayon sa caretaker ng bahay, may sumabog sa loob ng bahay ng kanyang binabantayan bago kumalat ang apoy.
Sinabi naman ni Senior Supt. Jesus Hernandez, fire marshall, nagkaroon ng electrical short circuit sa luma nang bahay na pinalala pa ng mga highly flammable na spray paint at pintura na naimbak dito.
Agad tinaas ang sunog sa ikalawang alarma na idineklara namang fire out alas-8:40 ng umaga.
Nadamay ang isang limang palapag na residential/commercial building sa likurang bahagi ng bahay ni Tan maging ang katabing bahay ay inabot din ng apoy.
Tinatayang nasa P1.5 milyon ang pinsala sa naturang sunog.
Wala namang nasugatan sa insidente.
The post Residential area sa QC, nasunog appeared first on Remate.