Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

40 sibilyan bihag ng NPA sa ComVal

$
0
0

AGAD na nagpatawag ng emergency meeting kaninang umaga si Compostela Valley Fovernor Arturo Uy kaugnay sa negosasyon para sa agarang paglaya ng 40 mga sibilyan na hostage ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Mahayahay, Maragusan sa Compostela Valley.

Kinumpirma ni 10th Infantry Division spokesman Ernest Carolina na sinimulang i-hostage ang mga biktima alas-10:00 kahapon pa ng umaga.

Nabatid na tinipon ang mga biktima ng mga armadong rebelde at mula noon ay hindi na pinakawalan pa magpahanggang sa kasalukuyan.

Sinabi naman ni Uy na hindi pa batid kung ano ang motibo ng mga rebelde sa pangho-hostage sa mga biktima at wala ring ipinalalabas na demand ang mga suspek.

Napag-alaman na kamakalawa ay naaresto ng mga awtoridad ang high-ranking leader ng NPA na sinasabing responsable sa pananambang sa mga sundalo sa Davao del Sur at Cotabato.

The post 40 sibilyan bihag ng NPA sa ComVal appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>