Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

13 hostage bihag pa ng NPA sa ComVal

$
0
0

NASA kamay pa ng New Peoples Army (NPA) ang 13 katao na hinostage sa Compostela Valley.

Samantala, isasailalim ngayong araw sa stress debriefing ang 26 sibilyan na kabilang sa 39 na bihag ng rebeldeng NPA sa Sitio Tabon, Barangay Panamin Mabini, Compostela Valley Province na kilalang isang mining community.

Ayon kay Lt. Col. Michael Luico, commander ng 66th IB Philippine Army, tumulong sa negosasyon ang barangay kapitan sa nasabing lugar upang ligtas at mapalaya ang mga biktima.

Napag-alaman na sa 39 na ginawang human shield, apat dito ay mga bata na kinabibilangan ng isang apat na buwan, isang taong gulang at dalawang tatlong taong gulang na dalawa rito ay mga babae.

Binigyang-linaw naman ni Luico na ang detachment ng militar ay nasa Brgy. Mahayahay at malayo sa Sitio Tabon na pinangyarihan ng insidente.

Karamihan sa mga minero ay naghahanapbuhay lamang at pansamantalang naninirahan sa Sitio Tabon.

Sa kasalukuyan, patuloy ang military operations ng mga sundalo lalo na’t alam na nila kung saan nananatili ang mga rebelde.

Layon ngayon ng mga sundalo na mailigtas pa ang natitirang bihag ng mga armadong grupo.

The post 13 hostage bihag pa ng NPA sa ComVal appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>