PINAGHAHANAP na ng awtoridad ang mga suspek na bumaril at nakapatay sa dalawa sa tatlong menor-de-edad sa Cahilsot, Brgy. Calumpang, General Santos.
Kinilala ang mga napatay na sina Michelle Tonerefe, 13, ng Silway, Brgy. Dadiangas West, GenSan, at si Robert Pahinagan, 17, ng New Bohol, Brgy. Calumpang, GenSan.
Kasalukuyan namang nasa pagamutan at patuloy na inoobserbahan ang kondisyon ni Justin Jay Arbes, 16, ng Cahilsot, Brgy. Calumpang matapos tamaan ng bala sa ulo.
Ayon sa barkada ng mga biktima na si alyas “Dodong,” ang kalaban nilang grupo ang nasa likod ng pamamaril bilang ganti matapos ang kanilang engkuwentro nitong nakaraang araw.
Sinabi nito na hindi nila namukhaan ang bumaril sa mga kaibigan dahil mabilis na tumakas ang mga ito matapos ang insidente.
Napag-alaman na nag-inuman ang mga biktima sa basketball court sa lugar nang mangyari ang pamamaril.
The post 3 teenager niratrat sa GenSan, 2 todas appeared first on Remate.