TUKOY na ng pamahalaan ang mga pinuno ng iba’t ibang international sextortion ring na nakapangbibiktima ng karamihan sa buong mundo.
Ito’y makaraang malansag ng Philippine National Police ang operasyon ng sindikato nitong nakalipas na linggo kung saan 87 ang naaresto kabilang na ang tatlong natukoy na nambiktima sa Scottish teenager na si Daniel Perry na dahilan ng pagpapakamatay nito.
Ayon kay Police Chief Supt. Reuben Theodore Sindac, tagapagsalita ng PNP, bagama’t tukoy na nila kung aling mga grupo ito, hindi pa nila maidedetalye sa ngayon dahil sa patuloy pa rin ang isinasagawang operasyon ng pulisya.
Sinabi pa ni Sindac, posibleng iisa lamang ang sindikatong nasa likod ng maraming grupong nagsasagawa ng sextortion activities pero sinabi nitong mas makabubuting huwag muna itong isapubliko upang hindi masunog ang kanilang operasyon.
The post Leaders ng international sextortion ring, tukoy na appeared first on Remate.