TODAS ang isang ama makaraang saksakin ang sarili sa harap mismo ng kanyang misis sa bayan ng Tinambac sa lalawigan sa Camarines Sur.
Nagsaksak sa sarili si Porserio Lopez, 23, ng Zone 2, Barangay San Roque sa harap mismo ng asawang si Aiza na nagpapadede ng kanilang tatlong buwang gulang na sanggol na anak.
Nabigla umano si Aiza nang makita ang ginawa ng asawa na nagtamo ng tama sa kanyang tiyan na malapit sa puso kung saan agad na dinala sa pagamutan ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival.
Bago ang pagpapakamatay, sinabi na umano nito sa kanyang misis ang mga katagang “parang mababalo ka na.”
Napag-alaman na ilang araw na wala sa tamang pag-iisip ang biktima mula ng magkasakit ang kanilang anak at pabalik-balik sa pagamutan.