TATLONG estudyanteng magkakapatid ang nasugatan makaraang mawalan ng kontrol ang isang van at mahulog sa isang palayan sa Naga City, kaninang umaga.
Bandang alas-7:00 kaninang umaga nang maganap ang aksidente habang binabaybay ng van ang kahabaan ng Barangay del Rosario papuntang Naga Hope Christian School.
Base sa salaysay ng driver na si Arvin Aguilar, nasagasaan niya ang isang bato dahilan upang sumabog ang gulong ng sasakyan at nawalan ito ng kontrol na nagresulta ng pagkahulog ng sasakyan sa palayan na bumangga pa sa puno ng narra.
Ayon naman sa salaysay ng mga nakasaksi, tumilapon pa umano ang driver ngunit masuwerte namang nagtamo lamang ito ng gasgas habang ang tatlong lulan na mga estudyante nito ay nagtamo ng seryosong sugat sa katawan.
Agad namang isinugod ang mga estudyante na may edad na 6, 7 at 12-anyos sa Mother Seton Hospital.