SUMABOG ang itinanim na bomba sa isang gasolinahan sa bayan ng Pikit sa North Cotabato kaninang umaga.
Ayon sa mga residente, naganap ang pagsabog sa bagong gasolinahan na malapit sa public market ng lugar.
Wala namang naitalang sugatan sa insidente ngunit nagdulot ito ng matinding pagbibigat sa trapiko.
Sa inisyal na imbestigasyon, dalawang bomba ang itinanim sa lugar ngunit isa lamang ang sumabog.
Inaalam pa ng mga awtoridad kung sino at kung ano ang motibo sa pagsabog ng bomba sa gasoline station.
The post Gasolinahan, pinasabugan sa North Cotabato appeared first on Remate.