DALAWA katao ang patay habang tatlo ang sugatan sa naganap na aksidente sa Northbound lane ng C5, Taguig kaninang madaling-araw, Mayo 12.
Ayon sa traffic management office, galing sa service road ang kotse at mabilis ang takbo nang mawalan ng preno dahilan para bumangga sa pader.
Isinisi ng driver ang madulas na kalsada kaya dumiretso muna ang sasakyan bago gumulong patungo sa center island.
Tumilapon ang dalawang hindi pa kilalang sakay ng kotse habang nasa ospital ang drayber ng sasakyan nasi John Carlo Mariano, Jayme Pardinas at Robert Roa.
The post Kotse sinuwag ang pader sa C5, 2 todas appeared first on Remate.