Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

7 patay sa diarrhea outbreak sa North Cotabato

$
0
0

SUMIPA na sa pitong katao ang namatay kaugnay sa diarrhea outbreak sa ilang barangay sa Alamada, North Cotabato.

Kinumpirma ni Alamada, North Cotabato Vice Mayor Samuel Alim ang napaulat na death toll sa naturang lugar.

Una rito, mahigit sa 100 residente ang nalason dahil sa kumalat na kemikal at napunta sa kanilang mga inumin sa naturang probinsya.

Ayon kay Alim, mistulang nagkaroon ng diarrhea outbreak sa kanilang lugar dahil dumaranas ng pagtatae, pagsusuka at pagsakit ng tiyan ang mga biktima.

Kagabi ay marami pa ang isinugod sa Alamada Community Hospital at sa barangay health center.

Ang ibang mga pasyente ay dinala na lamang ng mga kaanak sa mga pagamutan sa Midsayap.

Sinabi pa ng bise-alkalde na hanggang ngayong umaga ng Martes ay meron pa ring dinadala dahil umeepekto pa ang kemikal.

Sa inisyal na impormasyon, nabatid na nag-spray ang mga magsasaka ng kemikals sa palayan na ginagamit laban sa mga kulisap.

Pero nitong nakaraang Sabado ng gabi umulan ng malakas na siyang naging dahilan para humalo umano ang gamot sa tubig patungo sa inumin ng mga residente.

Maaaring dumaloy umano ang kemikal sa mga balon na ginagamit sa pag-inom at dito na nalason ang mga residente.

Ayon pa sa vice mayor, batay sa inisyal na imbestigasyon ng kanilang municipal health officer na si Dra. Bandala, posibleng ang ginamit na herbicide ang dahilan ng pagkalasonng mga tao.

Ngayong araw inaasahang magpapalabas ng opisyal na resulta ang mga awtoridad sa isinagawang laboratory test mula sa nakuhang specimen o tubig na nainom ng mga biktima.

The post 7 patay sa diarrhea outbreak sa North Cotabato appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>