PATAY sa meningococcemia ang dalawang batang babae sa San Lazaro Hospital sa Maynila.
Ayon kay Dr. Ferdinand de Guzman, Linggo ng gabi nang bawian ng buhay ang isang buwan na sanggol habang ang isa pang biktima na 4-anyos na babae ay noong isang linggo pa namatay.
Nabatid na huli na nang dalhin sa nasabing pagamutan ang mga biktima kaya hindi na nagawan pa ng paraan na maisalba ang kanilang buhay.
Sa tala ng San Lazaro, nasa 10 na ang dinala sa ospital dahil sa sakit na meningococcemia simula noong Enero, kabilang ang dalawang batang nasawi.
Kaugnay nito, tiniyak naman ng Department of Health (DoH) na hindi agad nakakahahawa ang naturang sakit na bacterial infection at nagdudulot ng impeksyon lalo na kapag mahina ang resistensya ng isang tao.
Ang sintomas nito ay lagnat, pagsusuka, pananakit ng ulo at rashes.
The post 2 bata todas sa meningo sa Maynila appeared first on Remate.