Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Drug den owner, 4 pa tiklo sa buy-bust

$
0
0

IPINASARA ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang drug den kasunod ng isinagawang buy-bust operation na ikinaaresto ng may ari nito at apat na customers kabilang dito ang isang menor de edad sa isang sikat na subdibisyon sa Cagayan de Oro City noong February 14, 2013.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr., 12 sachet ng shabu sng nakumpiska na nagkakahalaga ng P396,000 ng mga elemento ng PDEA Regional Office 10 (PDEA RO10) sa pangunguna ni Director Emerson L Margate sa isang hinihinalang drug den sa Block 63, Lot 19, Bloomingdale Subdivision, Iponan, Cagayan de Oro City.

Nauna rito, bumiyahe ng shabu ang isang PDEA undercover agent mula sa isang Orville Ojastro, 34 anyos, taxi driver, sa nasabing bahay kung kaya nauna itong inaresto at nasamsam dito ang isang medium size na sachet ng shabu na nakasilid sa isang plastic container na nagkakahalaga ng P5,500.

Kasama sa inaresto sa nasabing drug den ang mga customer na sina  Mary Ruth Bermudez, 20 anyos, Elizabeth Factura, 19; at 14 anyos na lalaki  matapos silang abutan ng mga awtoridad sa isinagawang operasyon.

Nakuha sa mga suspek ang mga drug paraphernalia,at dalawang Honda motorcycles na ginamit sa transaksiyon at halagang P 500.

Nadakip din sa isinagawang follow up operation ang may ari ng hinihinalang drug den na kinilalang si Saddam Sumagayan, 22, matapos itong tumakas makaraang makahalata na siya’y aarestuhin.  Nakuha sa suspek ang isang  plastic sachet ng shabu na may bigat na 55 gramo at nagkakahalaga ng P385,000.

Dahil dito,si Sumagayan ay kinasuhan ng paglabag sa Section 6 (Maintenance of a Drug Den) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), ng Article II  Republic Act 9165, habang sina Bermudez, Factura at ang 14 anyos na menor ay kinasuhan ng paglabag sa Section 7 (Visitors of a Den), Section 12 (Possession of Paraphernalia), samantalang si  Ojastro ay sinampahan ng kasong paglabag sa  Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 at Section 12 (Possession of Paraphernalia).



Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>