Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Dating kinakasama nireyp, messenger tiklo

$
0
0

REHAS na ang hinihimas ngayon ng isang messenger matapos ireklamo ng paulit-ulit na panghahalay ng dating ka-live-in sa Valenzuela City.

Nahaharap sa kasong illegal detention at 6 counts na rape si Marck Lugaray, 32, tubong Negros Occidental.

Sa pahayag ng biktima na edad 27, call center agent, taga-PNR Cmpd., Caloocan City, ilang taon silang nagsama ng suspek subalit napilitan siyang kalasan ito dahil sa ginagawang pananakit.

Noong nakalipas na Lunes, dakong alas-9:00 ng gabi ay inabangan ng suspek ang biktima sa paglabas ng bahay at sinabing ihahatid sa kapatid ng babae sa Pasig.

Todo-tanggi ang biktima subalit nang sabihin ng suspek na ihahatid lang siya at tuluyan na silang maghihiwalay ay napapayag ang babae.

Subalit sa halip na sa Pasig ay idiretso ng suspek ang dalang motorsiklo sa dati nilang tinirhan ng biktima sa Tampoy 1, Marulas ng lungsod at doon kinaladkad papasok hanggang sa mahalay.

Ikinulong ng suspek ang biktima at paulit-ulit na hinalay at kahapon ay nakakita ng pagkakataon na makatakas ang babae at umuwi sa kanila at sinabi sa mga kaanak ang nangyari.

Sinamahan ang biktima sa presinto at nagreklamo na naging dahilan upang damputin ang suspek at sampahan ng mga nasabing kaso.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


“BAHAY KUBO HUGOT”


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Girasoles para colorear


Presence Quotes – Positive Quotes


“Tado” Jimenez Quotes Collections Online


Papa Jack Tagalog Love Quotes and Advice for you


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


“Mali man na ikaw ay ibigin ko, akoy iibig padin sayo”


RE: Mutton Pies (frankie241)


EASY COME, EASY GO


HOY PANGIT, MAGBAYAD KA!



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>