Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Coast guard, 1 pa todas sa bodyguard ng tatay ni Kim Chiu

$
0
0

OCCIDENTAL MINDORO- Dalawa ang patay kabilang ang isang miyembro ng coast guard matapos pagbabarilin ng isang miyembro ng Philippine Army (PA) at sinasabing bodyguard ng tatay ng aktres na si Kim Chiu sa Occidental, Mindoro.

Kinilala ang mga biktima na sina Joebert Egina, coast guard at si Charwen Martizano, ng Barangay Poblacion V. San Jose Occidental Mindoro, idineklarang dead-on-the spot sanhi ng mga tama ng bala ng mataas na kalibre ng baril sa iba’t ibang parte ng katawan.

Sa follow-up operation, naaresto ang suspek na si Saldie Santillan, Philippine army at bodyguard ng negosyanteng ama ng sikat na young star na si Kim.

Sa imbestigasyon, alas-12:50 ng hatinggabi noong May 12 nang maganap ang insidente sa tapat ng Akong Bakery, sa nasabing lalawigan.

Sa pahayag ng saksing si Eutiquio Francisco, kasama niyang naglalakad pauwi ang mga biktima nang makasalubong ang kaibigang si John Paul Sombito na nagpapasaklolo dahil binugbog aniya siya sa tapat ng Akong Bakery.

Agad nilang pinuntahan ang lugar at nakilala agad si Santillan.

Hindi pa man nakakalapit ay sinalubong sila ng isang sekyu na kinilalang si Jerry Flores at binalaang ‘wag lalapit sabay paputok ng baril.

Hinimok ni Eutiquio ang mga kasama na umuwi na subalit bigla na lamang pinukpok ng baril sa batok ng ilang beses si Joebert hanggang sa magpambuno ang dalawa at mag-agawan sa baril.

Dito na umalis si Santillan at sa kanyang pagbabalik ay may dala na itong armas at pinagbabaril sina Joebert at Martizano,

Sumisigaw naman ng hustisya ngayon ang pamilya ng dalawang pinaslang na ayon na rin sa imbestigasyon ay dati nang kaalitan ng suspek.

The post Coast guard, 1 pa todas sa bodyguard ng tatay ni Kim Chiu appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>