NAITALA ang 6.2 magnitude earthquake sa Sarangani province kaninang tanghali, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon kay Delfin Garcia ng Phivolcs, ang epicenter ng lindol ay naitala sa 30 kilometro silangan ng Sarangani at naramdaman ito dakong 12:37 p.m.
Sa kabila nito, sinabi ni Garcia na walang ikinasang tsunami alert warning sa lugar.
Naramdaman naman ang intensity 4 sa Mati at Taragona, Davao Oriental habang intensity 3 naman sa Davao City.
Inuga naman ng Intensity 2, ang General Santos City, Butuan City at Malaybalay sa Bukidnon.
Wala namang naitalang kaswalidad at danyos sa nasabing lindol.