PATAY ang isang kilabot na holdaper, karnaper, magnanakaw matapos pagbabarilin ng tatlong hindi pa nakikilalang salarin habang ang una ay nakaupo kaninang tanghali sa Bgy. Tañong Malabon City
Dead-on-spot si Dennis Salamat, 30, ng Blk 71 2nd St., Desierto, Tañong, sanhi ng maraming tama ng bala ng kalibre 45 at 9mm pistol sa iba’t ibang parte ng katawan.
Tumakas ang tatlong suspek na armado ng mga baril na naglalakad lamang sa kahabaan ng 2nd St. at parang walang nangyari.
Sa imbestigasyon, alas-12:30 kanina nang maganap ang pamamaril sa kanto ng 1st at 2nd St., sa nasabing barangay.
Nakaupo ang biktima nang lapitan ng mga suspek na pawang nakatakip ng panyo ang mukha at pinagbabaril.
Nabatid na may nakapendeng na warrant sa biktima dahil sa mga kinasasangkutang kasong carnaper, holdap at pagnanakaw sa iba’t ibang lugar ng lungsod.
The post Kawatan pinagbabaril sa Malabon, tigok appeared first on Remate.