TIGOK ang isang kelot matapos mahulog sa veranda sa ikalawang palapag ng inuupahang resort habang kumakain sa Caloocan City, Biyernes ng gabi, Mayo 17.
Dead-on-arrival sanhi ng pinsala sa ulo sa Caloocan Medical Center si Ryan Mendoza, 27, ng Maceda St., Sampaloc, Manila.
Lumalabas na nanalo ang team ng biktima sa basketball na naging dahilan upang iselebra at upahan ang Emiart Private Resort sa Pasig St., Maypajo, Caloocan City.
Alas-7 ng gabi, nag-iinuman ang mga magkakaibigan sa unang palapag na inupahang kuwarto nang umakyat ang biktima at kumain sa veranda sa ikalawang palapag.
Makalipas ang ilang sandali ay nahulog ang biktima na una ang ulo na tumama sa sementadong sahig na naging dahilan ng kanyang kamatayan.
Inaalam na kung may foul play sa pagkakahulog ng biktima.
The post Habang kumakain sa veranda, kelot nahulog tigok appeared first on Remate.