“THE country is mourning.”
Ito ang malungkot na pahayag kaninang umaga, Mayo 19, ni Columbian President Juan Manuel Santos hinggil sa pagkamatay ng may 32 na estudyante na nakulong sa loob ng nagliliyab na bus na kanilang sinasakyan.
Sa ulat ng pulisya, nagmula sa isang event sa simbahan sa bayan ng Fundacion ang mga biktima nang huminto sa isang gasoline station ang school bus driver para magkarga ng gasolina at uminom na rin.
Pero laking gulat ng bus driver na hindi nakuha ang pangalan nang pagbalik niya ay nagliliyab na ang bus at nagsisilabas sa sasakyan ang ilan sa mga estudyante
Sa bilis ng pangyayari at walang makitang fire extinguisher ay walang nagawa at pinanood na lamang ang paglamon ng apoy sa mga biktima.
Sa ngayon ay iniimbestigahan pa ng awtoridad ang sanhi ng pagkasunog ng bus.
The post 32 estudyante sa Columbia, nalitson nang buhay appeared first on Remate.