Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

‘No read no write’ na taxi driver, nagka-lisensya

$
0
0

MALAKING palaisipan sa Quezon City Police District (QCPD) kung paano nabigyan ng lisensiya sa pagmamaneho ang isang taxi driver na “no read no write” at nakabangga kaninang umaga sa Quezon City.

Ito ang malaking katanungan ni PO2 Luna ng QCPD Traffic Sector 4 sa Kamuning na may hawak ng kaso, matapos makabangga ang taxi driver na si Udu Dulim, 50, ng 64 Peria St. Holy Spirit ng nabanggit na lungsod.

Sa inisyal na pagsisiyasat, alas-7:00 kaninang umaga habang binabagtas ng isang Mitsubishi Montero Sport (TWO 193) na minamaneho ni Melvin Macatuno, 45, ng Gen. Pilar St. Bagong Silang ng kaparehong syudad ang kahabaan ng Quezon Ave, Barangay Paligsahan nang salpukin ang kanyang sasakyan ng taxi na Toyota Avanza (TXX 761), minamaneho ni Capozian pagsapit sa kanto ng Roces Ave..

Batay sa kuwento ni Capozian, liliko siya pakanan ng Roces Ave. na ‘di niya akalaing aabutin niya ang likurang bahagi ng Montero.

Nayupi ang likurang kanang bahagi ng Montero samantalang nayupi rin ang kaliwang harapan at nabasag ang ilaw ng nasabing taxi.

Nang kapwa dinala ang mga tsuper na sangkot sa aksidente sa himpilan ng pulisya ay nagawa na lamang patawarin ni Maglalang ang taxi driver at hindi na siningil sa dahilang isa itong opisyal ng isang foundation at naawa rin daw ito.

Gumawa ng dokomento si Luna na katunayang ‘di na magrereklamo si Maglalang sa taxi driver at kapwa pinapirmahan niya ito subalit umamin ang tsuper ng taxi na ‘di siya marunong sumulat at magbasa.

Batay naman sa taxi driver, ang kumuha raw ng lisensya niya sa Land Transportation Office (LTO) ay ang kanyang anak na ayaw banggitin ang pangalan maliban sa may binabanggit pang empleyado ng Department of Transportation and Communication (DOTC) ang kanyang amo.

Biniberipika na ng awtoridad ang nasabing lisensya at inaalam kung paano naisyuhan ang nasabing tsuper.

The post ‘No read no write’ na taxi driver, nagka-lisensya appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129