SUGATAN ang tatlo katao sa banggaan ng mga sasakyan sa Skyway-Dela Rosa sa Osmeña Highway, Makati City kaninang umaga.
Ayon sa Makati City Police, isinugod sa magkakahiwalay na ospital ang drayber ng L-300 van na si Brigider Delos Reyes at ang kasama nitong menor-de-edad na lalaki.
Sugatan din ang driver ng kotse na si Harold Arevalo.
Nabatid na pababa ang sasakyan na minamaneho ni Arevalo ng Skyway partikular sa may Dela Rosa nang huminto ang sasakyan sa unahan niya.
Dahil nasa 80kph ang kanyang takbo, kahit nagpreno, bumangga pa rin siya sa likod ng L-300 van.
Sa lakas ng pagbangga, umikot ang mga sasakyan at bumangga pa sa concrete barriers.
Dahil sa impact ng banggaan ay wasak na wasak ang harapang bahagi ng kotse at likuran ng van.
Sa pahayag ng driver ng van, nasa 3kph lamang ang kanyang takbo at nagulat na lamang nang may kumalabog sa kanyang likuran.
The post 3 sugatan sa suwagan ng sasakyan sa Makati appeared first on Remate.