Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

DOH nakaalerto vs novel coronavirus

$
0
0

TINIYAK ng Department of Health (DOH) na nakaalerto na sila ngayon laban sa novel coronavirus (NCoV) na sinasabing uri ng virus na maitutulad sa Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS).

Ito’y kasunod na rin ng panibagong kumpirmasyon ng kaso ng naturang virus sa United Kingdom.

Kasabay nito, pinaalalahanan pa ni Health Assistant Secretary Eric Tayag, director ng DOH-National Epidemiology Center (NEC), ang mga ospital sa bansa na maging alerto at kaagad na i-report sa kanila ang mga malalang kaso ng pneumonia ngunit nagnegatibo naman sa influenza, virus at bacteria upang agad masuri ang mga ito.

Sa kabila naman nito, tiniyak ng DOH na sa Pilipinas ay wala pang naitatalang kaso ng NCoV kaya walang dapat ipangamba ang publiko.

Nilinaw na rin naman ng World Health Organization (WHO) na ang NCoV ay hindi naman kasing bagsik ng SARS.

Sa ngayon pinag-aaralan na umano ng mga health officials sa buong mundo ang NCoV infection.

Batay sa pinakahuling ulat, umabot na umano sa 11 ang kumpirmadong kaso ng NCoV sa buong mundo.

Sa nasabing bilang ay lima ang nagresulta sa pagkamatay sa Saudi Arabia at Jordan.

Sinasabing ang mga apektadong pasyente ay nakitaan ng “respiratory illness” na may kasamang lagnat, ubo, at hirap sa paghinga.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>