Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Parak lagas, 2 sugatan sa anti-drug ops sa Cavite

$
0
0

PATAY sa ambush ang isang pulis habang sugatan naman ang dalawa pa nang ratratin ng armadong kalalakihan ang kanilang sinasakyang kotse habang hinihintay ang pagsulpot ng kanilang tinatarget na drug pushers sa Cavite town, kaninang madaling-araw, HUnyo 1.

Kinilala ang napatay na pulis na si SP03 Alejandro Came,  miyembro ng Quezon City Police District, nagsilbing informant ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Sugatan naman ang isang PDEA agent na si Alvin Martin  at isang miyembro ng  Southern Luzon police na nakilalang si PO1 Leonard Sagayaporo.

Wala pang ideya ang kapulisan kung sino ang mga bumaril sa mga biktima pero malaki ang hinala na ang mga suspek ay mga miyembro ng drug syndicate sa lugar.

Sa ulat, naganap ang insidente sa pagitan ng alas-3 hanggang alas-4 ng madaling-araw sa isang bisinidad sa Barangay Molino sa Bacoor, Cavite.

Bago ito, naglatag ng anti-drug operation sa lugar ang mga biktima at lulan sa kanilang kotseng Toyota Vios (TY 4984).

Hinihintay ng tatlo ang pagsulpot sa lugar ng drug pushers na kanilang huhulihin pero nabulaga sila nang paulanan ng putok ng baril ang kanilang kotseng sinasakyan ng kalalakihang nakasakay sa Toyota van na may backup na dalawang motorsiklo.

Hinala ng awtoridad na may nag-tip sa kanilang tinatarget ng drug pushers kaya imbes makasilo ay sila ang nabulaga.

Nakarekober sa lugar ng high-powered firearms tulad ng M-16 rifles, 9-mm at cal-.45 pistols.

The post Parak lagas, 2 sugatan sa anti-drug ops sa Cavite appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129