INAKO na ng New People’s Army (NPA) na sila ang responsable sa pagdukot sa anim na survey inspectors ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Barangay New Leyte sa Maco, Compostela Valley nitong Biyernes.
Kinumpirma ni Captain Alberto Caber, tagapagsalita ng Eastern Mindanao Command (EastMinCom) ng Armed Forces of the Philippines (AFP), ang naturang pag-ako kung saan isang Daniel Ibarra, na nagpakilalang tagapagsalita ng NPA sa Compostela Valley ang umamin na sila ang responsable sa pagdukot sa mga surveyor.
Ayon kay Caber, walang nababanggit na demand ang mga rebelde kapalit ng pagpapalaya sa mga taga-DENR.
Isa sa mga dahilan na kanilang tinitingnan na posibleng napagkamalang mga miyembro ng AFP o Philippine National Police (PNP) ang anim matapos makuha sa kanila ang isang drone na gagamitin sana ng mga ito sa pag-inspeksyon sa National Greening Program ng pamahalaan sa lugar.
Wala rin umanong katotohanan ang ulat ng isang pahayagan na pinalaya na ang tatlo sa mga ito.
The post 6 DENR employees dinukot ng NPA appeared first on Remate.