NAMATAY ang isang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) enforcer nang sumalpok ang minamanehong motorsiklo nito sa isang poste sa Doña Julia Vargas Avenue, Pasig City.
Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad, posibleng nakatulog ang MMDA enforcer nang binabaybay ang kalsada.
Napag-alamang dinala pa ang biktima sa hospital pero binawian din ng buhay.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente at posibleng i-review ang CCTV footage sa pinangyarihan ng insidente.
Dinala na rin ang motorsiklo ng biktima sa Traffic Bureau ng Pasig City para sa imbestigasyon.
The post Poste sinalpok ng motor, MMDA enforcer tigok appeared first on Remate.