AABOT sa P2.5 milyong halaga ng pekeng slimming pills at energy enhancers ang nakumpiska ng Manila Police Department (MPD) sa walong drugstore sa Binondo at Sta. Cruz, Maynila.
Ayon kay Manila Police District (MPD) Chief of Staff Senior Supt. Gilbert Cruz, ikinasa nila ang raid matapos makatanggap ng reklamo mula sa ilang kustomer.
Natuklasan ng pulisya na ilan sa male enhancing drugs at slimming pills ay may sangkap pang amphetamine o shabu.
Batay sa Food and Drug Administration (FDA), kapag nasobrahan sa pag-inom ng mga gamot na ito, pwedeng magkaroon ng irregular heartbeat, urine retention o masakit na pag-ihi at muscle breakdown.
Kung lumala pa, maaaring makaranas ang uminom ng gamot ng mataas na lagnat, makombulsyon at magresulta sa renal failure at hemorrhage.
Todo-iwas naman ang mga nadatnang tindero sa drugstores na karamihan ay Chinese.
Nahaharap sila sa kasong paglabag sa intellectual property rights at trade infringement.
The post P2.5M fake slimming pills, enhancers kumpiskado appeared first on Remate.