STA. MARIA, PANGASINAN – Patay ang isang US citizen habang malubhang nasugatan ang kanyang kasambahay matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Sta. Maria, Pangasinan.
Kinilala ng local police ang biktimang si Florida Oliviano, 55, US citizen, at kasambahay nitong si Susana Lucena, kapwa residente ng Barangay Paitan, nasabing bayan.
Sa imbestigasyon, sinabi ng pulisya na nag-uusap sina Oliviano at Lucena sa harap ng kanilang bahay nang may lumapit na lalaki na armado ng handgun.
Walang sabi-sabi pinaputukan ang dalawang ginang at napuruhan si Oliviano.
Agad na tumakas ang suspek.
Inaalam na ang motibo sa pamamaril.
The post Kano utas, kasambahay kritikal sa pamamaril sa Pangasinan appeared first on Remate.