DUMULOG sa tanggapan ng Manila Police District-General Assignment Section (MPD-GAS) ang isang turistang Koreano matapos holdapin ng riding-in-tandem habang namamasyal sa Intramuros, Maynila.
Sa reklamo ng biktimang si Mying Sung Wook, 38, negosyante at nanunuluyan sa Holiday Inn sa Pasig City, sakay siya ng pedicab at nagsa-sight seeing sa likuran ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila nang lapitan ng suspek na nakasuot ng camouflage at may dalang baril.
Mabilis na inagaw ang cellphone ng biktima at bag saka sumakay sa isang motorsiklo na naghihintay sa kabilang kalsada kung saan naroon ang kanyang kasabwat.
Nagsasagawa na ng follow-up operation ang pulisya sa posibilidad na mamataan muli sa lugar ang dalawang suspek.
The post Koreano dinale ng riding-in-tandem appeared first on Remate.