HALOS masunog ang buong katawan ng isang magsasaka nang tamaan ng kidlat sa Barangay Abot Molina, Umingan, Pangasinan.
Sa report, pauwi na ang biktimang si Renato Cajilo, 21, nang tamaan ng kidlat dulot ng malakas na pag-ulan.
Nakitaan ito ng burns sa tiyan at nakita ang cellphone na inipit sa garter ng kanyang shorts.
Itinakbo pa ang biktima sa Umingan Community Hospital pero idineklara nang dead-on-arrival.
Paliwanag ng Provincial Disaster Risk Reduction And Management Council, bukod sa mga bagay na gawa sa metal tulad ng cellphone at sampayan, dapat ding iwasan habang kumikidlat maging ang mga puno, matataas na poste, landline o telepono dahil maaari itong daluyan ng kuryente, gayundin sa ibang appliances.
Maaari ring dumaan ang kuryente sa mga pipe kaya iwasan ang paggamit ng bathroom fixtures tulad ng shower at gripo.
Umiwas sa open field.
Makabubuting manatili na lang sa loob ng gusali, bahay at sasakyan.
The post Magsasaka, todas sa kidlat sa Pangasinan appeared first on Remate.