SUMIPA na sa apat na mga sundalo ang napapaulat na nasugatan sa nangyaring ambush kaninang umaga sa national highway ng Bgy. Pancul, Taytay, Palawan.
Ayon Kay P/Supt. David Martines, Prov’l Director ng Palawan PNP, nagpapatuloy pa sa ngayon ang clearing operation sa lugar.
Sinasabing sakay ang nasa 30 mga miyembro ng Phil. Marines MBLT4 sa kanilang military trak galing sa Poblacion ng Bayan ng Taytay nang tambangan ito ng mga armadong grupo habang pabalik na sa kanilang detachment sa Bgy. Pancul.
Ayaw pa namang pangalanan ng Western Command ang mga sugatan.
Sa ngayon, ‘di pa raw tiyak ng mga otoridad kung grupo ng New Peoples Army (NPA) ang nasa likod ng pananambang.
The post UPDATE: Sugatan sa ambush sa Palawan, nadagdagan pa appeared first on Remate.