SWAK kulungan ang isang 55-anyos na lalaki sa tangkang paggahasa sa nakasalubong na buntis sa Goa, Camarines Sur kaninang umaga, Hunyo 6.
Nakakulong na ngayon sa Goa PNP at sasampahan ng kasong attempted rape ang suspek na si Errol Perego, 55, matandang binata.
Ayon sa biktimang si Mary Rose Pagador, 22, apat na buwang buntis, naglalakad siya dakong 8:45 ng umaga sa lugar nang makasalubong niya si Perego.
Nakatitig umano ito sa kanya at bigla na lamang siyang niyakap ngunit nagawang niyang makawala.
Sinunggaban muli siya ng suspek saka pinagsusuntok sa katawan at hita na kanyang ikinahimatay.
Hinuhubad na ng suspek ang panty ng biktima nang mapadaan ang isang barangay tanod na si Felix Agravante, Jr. na agad namang kinuwelyuhan nito.
Masuwerte namang hindi nakunan ang biktima na kasalukuyang nagpapagaling sa ospital.
The post Lolo, kalaboso sa tangkang paggahasa sa buntis appeared first on Remate.