Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Businessman tinortyur saka sinilaban

$
0
0

UPANG ikubli ang krimen, kasamang sinunog sa loob ng kanyang sariling sasakyan ang bangkay ng isang kilalang negosyante na dinukot at pinatay sa Davao City nitong nakaraang Sabado, Hunyo 7.

Bagama’t halos nasunog na ang buong katawan ni Ramon Sanny Garcia, may-ari ng Nanay Bebeng Restaurant, nilaslas ang leeg nito at nakatali ang mga kamay at paa ng alambre.

Binalutan din ang mukha nito ng masking tape na senyales na pinahirapan muna ito bago patayin.

Natagpuan ang bangkay ni Garcia kaninang alas-3:45 ng madaling-araw sa loob ng isang nasusunog na kotse sa tabi ng bangin sa may Sitio Bolton, Baluyan, Malalag, Davao del Sur.

Bago ito, dinukot ng mga hindi nakikilalang armadong kalalakihan ang biktima nitong Biyernes ng gabi saka dinala sa hindi malamang direksyon.

Makalipas lamang ang ilang oras, may nag-report sa pulisya na may nasusunog na kotse sa tabi ng bangin sa Sitio Bolton.

Rumesponde naman agad ang mga tauhan ng Malalag PNP at nakitang halos ubos na ang kotseng sinilaban at nakita ang bangkay ni Garcia sa loob nito.

Isa sa tinitingnang motibo sa pagpatay kay Garcia ay extortion.

The post Businessman tinortyur saka sinilaban appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


HOY PANGIT, MAGBAYAD KA!


Sapos para colorear


Smile Quotes


Patama lines and Tagalog Quotes Pinoy Sayings


Tropa Quotes


“Mali man na ikaw ay ibigin ko, akoy iibig padin sayo”


RE: Mutton Pies (frankie241)


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


Girasoles para colorear


Pokemon para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


The business quotes | Inspirational and Motivational Quotes for you


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


EASY COME, EASY GO


UPDATE SC IDOL: TWO BECOME ONE



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>