AABOT sa P1 milyon halaga ng ari-arian ang naabo makaraang tupukin ng apoy ang 5 storey building sa C5 Libis, Quezon City kaninang madaling-araw, Hunyo 8, 2014.
Ayon kay Quezon City District Fire Marshall Senior Supt. Jesus Fernandez, tinupok ng apoy ang gusali ng Delta Milling Industries Corp. sa 102-104 E Rodriguez, Jr. Ave., Libis, Bgy. Bagumbayan, ala-1:00 ng madaling-araw.
Sinabi sa ulat na nagsimula ang sunog sa power room ng ground floor ng gusali na pag-aari ng isang Edwin Lim.
Nabatid kay Fernandez na umabot ang sunog sa second alarm at na-fire out ala-1:10 ng madaling-araw.
Hindi naman nadamay ang ikalawa at ikalimang palapag ng gusali matapos makontrol ng mga tauhan ng BFP ang sunog.
The post P1M naabo sa sunog sa Libis, QC appeared first on Remate.