Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Kelot na-hit-and-run ng bus sa Caloocan, todas

$
0
0

TODAS ang isang hindi pa kilalang lalaki matapos masagasaan ng bus na hindi nakuha ang plaka habang naglalakad sa Caloocan City, Linggo ng madaling-araw, Hunyo 8.

Inilarawan ang biktima na nasa edad 30, katamtaman ang pangangatawan, naka-itim na t-shirt at maong na short habang berde ang likurang bahagi ng ordinary bus na may tatak na Silver Swan Soy Sauce.

Ayon kay Senior Insp., Pablo Temenia, hepe ng Traffic Division ng Caloocan City Police, alas-2:45 ng madaling-araw, naglalakad ang biktima sa tapat ng Caltex Gasoline Station sa Urbano St., EDSA nang mahagip ng bus, nakaladkad at nagulungan na naging dahilan ng agad na kamatayan habang hindi na huminto ang hindi pa kilalang driver.

Inaalam na ang bus na nakapatay sa biktima.

The post Kelot na-hit-and-run ng bus sa Caloocan, todas appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>