SABOG ang ulo ng isang dating alkalde ng Mataas na Kahoy, sa Batangas nang pasadahan ng kilabot na riding-in-tandem kaninang hapon, Hunyo 8.
Dead-on-the-spot ang biktimang si Arnulfo Rivera, ng Barangay Calingatan sa Mataas na Kahoy at nagsilbi bilang alkalde ng naturang bayan mula 1998 hanggang 2001.
Ayon sa ulat, naglalakad na pauwi ang dating alkalde nang sinundan ng mga suspek at nang makadikit ay binaril sa ulo bago pinaharurot ang kanilang motorsiklo.
Naisugod pa si Rivera sa Mary Mediatrix Medical Center sa Lipa City ngunit binawian na rin ng buhay bandang alas-12:30 ng tanghali, ayon kay Sr. Insp. Alfredo Lorin, hepe ng Mataas na Kahoy PNP.
Inaalam pa ng awtoridad ang motibo sa pamamaslang sa dating alkalde maging ang responsable sa insidente.
The post Ex-mayor ng Batangas pinasabog ang ulo appeared first on Remate.