Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

3 patay sa pag-atake ng rebelde sa Cotabato

$
0
0

TATLO katao ang namatay habang dalawang pulis ang sugatan makaraang sumalakay ang mga armadong lalaki na pinaniniwalaang mga Moro settlers sa Kidapawan City, North Cotabato.

Base sa ulat ni Provincial police chief Senior Superintendent Danilo Peralta, nakatanggap sila ng balita na may mga tagalabas ang umatake sa mga miyembro ng Barangay Peace Action Team (BPAT) sa Sitio Nazareth, Barangay Amas.

Base sa inisyal na impormasyon, ang naturang armadong grupo na pinaniniwalaang mula sa Moro forces ay umatake malapit sa mga bayan ng Maguindanao at North Cotabato.

Kinilala ang mga nasawi na sina Nonoy Kalugmaton, Ramboy Balimba at Bonny Vicente, pawang Visayan members ng BPAT sa Amas.

Habang kinilala ang mga sugatan na sina SP01 Edwin Maglate at Police Inspector Randy Apostol.

The post 3 patay sa pag-atake ng rebelde sa Cotabato appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>