NADAKIP ng Navotas police ang isang rapist na mahigit dalawang taon nang nagtatago sa batas kahapon ng hapon, Martes, June 10, sa Gulayan, Brgy. San Jose, ng nasabing lungsod.
Kinilala ang nadakip na si Dinnis Briones, 21, binata, ng 388 Interior 12, Gulayan, San Jose, Navotas City.
Nabatid na nakatanggap ng inpormasyon ang mga tauhan ng Navotas police warrant section na lumutang ang suspek sa kanilang lugar.
Alas-2:10 ng hapon, dala ang warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Emmanuel D. Laurea, ng Malabon RTC branch 169, dinakip si Dennis at agad na dinala sa presinto.
Sa rekord ng korte, lumalabas na si Dinnis ay sinampahan ng kasong rape noong nakaraang Marso 30, 2011 na mula noo’y nagtago na.
Samantala, pagkalipas ng isang oras ay inaresto naman ng mga nasabing pulis ang isang killer na matagal na ring nagtatago sa batas sa nasabing lungsod.
Kinilala ang suspek na si Jomar Mercado, ng Blk. 36, Lot 34, Phase 2, Northbay Boulevard South, Navotas City.
Dakong 3:00 ng hapon, sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Zaldy B. Docena ng Malabon RTC branch 170, dinakip ang suspek sa na nasa Maliputo St., ng nasabing barangay.
Sa record ng korte, si Mercado ay may kasong murder matapos sampahan ng kaso ng mga kamag anak ng kanyang biniktima noong nakaraang taon.
The post 2 wanted timbog sa Navotas appeared first on Remate.