SWAK sa kulungan ang apat na lalaking lasing matapos bugbugin ang isang pulis na umawat sa kanilang bangayan sa Cebu nitong Martes ng gabi.
Nakakulong na ngayon at sasampahan ng kasong assault upon an authority at serious physical injury ang mga suspek na sina Alvin Patigas, Allan Patigas, Edilberto Fernandez, at si Romeo Patigas.
Sa ulat, naganap ang insidente dakong 11:25 nitong Martes ng gabi sa Barangay Paknaan, Mandauae City, Cebu.
Sa pagsisiyasat ni P02 Gerald Magpantay ng Mandaue City Police Office, nag-iinuman ang apat na suspek pero sa hindi malamang dahilan ay nagkainitan.
Nagkataong napadaan naman ang biktimang si PO3 Michael Cortes at nakita ang mga suspek kaya agad nitong inawat.
Pero tumayo ang isa sa mga suspek at biglang hinampas ng matigas na bagay si Cortes na ikinatumba nito.
Maya-maya’y pinagtulungan nang bugbugin ng mga suspek si PO3 Cortes.
Hindi pa nakuntento, kinuha pa ng mga suspek ang baril ni Cortes pero suwerteng may napadaan na tatlong lalaki at inawat ang kaguluhan.
Tumakas ang tatlong suspek pero naiwan ang isa nang mahawakan ng mga sumaklolo sa pulis.
Ilang sandali naman ay rumesponde na ang awtoridad at agad nadakip ang tatlong tumakas na suspek.
The post Parak gulpi sa pag-awat sa 4 na senglot appeared first on Remate.