INAALAM na ng mga pulis kung ano ang ikinamatay ng isang lalaki na bumagsak sa kalsada habang naglalakad sa Valenzuela City, Martes ng umaga, Hunyo 10.
Dead-on-arrival sa Valenzuela General Hospital (VGH) si Joselito Modrigo, 45, ng Balara, Quezon City.
Sa ulat, alas-7:00 ng umaga, naglalakad ang biktima sa Kabesang St., Punturin ng lungsod nang biglang tumumba at mawalan ng malay.
Nakita naman ng mekanikong si Hipolito Santiago ang pangyayari na naging dahilan upang dalhin sa VGH para alamin ang ikinamatay nito.
The post Lalaki tumirik sa kalsada, patay appeared first on Remate.