SUNOG ang tatlong paslit nang sumiklab ang kanilang bahay sa Cadiz, Negros Occidental.
Kinilala ang mga biktima na sina Princess Heart, 6; Jia Marie, 3; at Joshua, 1, mga anak nina Jela Pelayo at Keneth Maquilan, ng Bgy. Aluyan, Cadiz City.
Sa imbestigasyon, iniwan ng mag-asawa ang kanilang tatlong anak kagabi para manguha ng alamang sa ilog na ‘di naman kalayuan sa kanilang bahay.
Pero laking gulat nila nang sa kanilang pag-uwi ay abo na ang kanilang bahay at kanilang mga anak.
Hinala naman ng mag-asawa na ang baga na nilipad ng hangin ang dahilan ng sunog dahil iniwan umano nila iyon dahil kaluluto pa lamang ng kanilang sinaing.
The post 3 paslit tusta sa sunog sa Negros appeared first on Remate.