NABUNOT ng kapulisan sa lungsod ng Bago, Negros Occidental ang umaabot sa 50 puno ng marijuana sa isang plantation area sa lungsod.
Tinatayang nasa anim na talampakan na ang taas ng tanim na mga marijuana na malapit sa taniman ng palay sa Purok Abacca, Sitio Pataan, Brgy. Mailom, Bago City.
Ang plantation ay unang natuklasan ng mga tauhan ng Philiippine Army na nagsasagawa ng routine patrol sa naturang lugar.
Kanila itong ipinaalam sa mga barangay official na siyang nag-report naman sa pulisya.
Patuloy pang inaalam ng pulisya ang nagmamay-ari ng plantation dahil batay sa kanilang impormasyon ay sakop ng CARP ang naturang lupain at malayo na naman ito sa mga kabahayan.
Maliban sa fully-grown marijuana plants ay nakarekober na rin ang mga pulis ang mga binhi (seedlings), buto ng marijuna at isang supot ng pinatuyong marijuana leaves sa naturang lugar.
The post Taniman ng marijuana, sinalakay sa N. Occidental appeared first on Remate.