TINIYAK ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. na tatakbo pa rin siya bilang Pangulo ng bansa sa 2016 presidential elections kahit nakakulong dahil sa kasong plunder.
Sinabi ng senador na gagawin niya ang dating ginawa ni Senator Antonio Trillanes lV noong 2007 elections na kahit na nakakulong ito ay nagpapaliwanag naman ang kanyang mga kasamahan hinggil sa kinakaharap na kaso at kung bakit ito nakulong.
Gagawin niya ang nasabing hakbang dahil sa lumalakas na panawagan ng kanyang supporters na tumakbo bilang pangulo sa kabila ng kanyang hinaharap na kaso.
Dagdag ni Revilla, habang hinihintay ang kanyang arrest warrant ay iikot na siya sa mga probinsiya para ipaliwanag ang kanyang kaso.
Gayunman, inamin naman niya na nakaimpake na rin ang kanyang mga gamit at kusa itong susuko pag lumabas na ang mandamyento de aresto.
The post Bong Revilla tiyak na sa 2016 presidential elections appeared first on Remate.