WALA nang buhay ng datnan ng rescue team ang isang lalake matapos sumalpok ang minamaneho niyang motorsiklo sa railings sa Barangay Nova Proper Novaliches kagabi, Hunyo 15 sa Quezon City.
Kinilala ang biktima na si Marianito Llanes, batay sa nakuhang ID sa kanya.
Sinasabing alas-9:30 kagabi nang makatanggap ng tawag ang himpilan ng pulisya mula sa isang concern citizen hingil sa isang aksidente.
Nang magtungo ang mga awtoridad sa Tullahan Bridge sa Quirino Highway ay isang lalake ang nakahandusay na may bahid ng dugo ang bibig at may malaking sugat at bukol sa gitnang dibdib.
Dumating ang QC rescue ambulance na nagdeklarang patay na ang biktima.
Kwento ng ilang nakakita sa pangyayari, binabagtas ng biktima ang naturang lugar sakay ng motorsiklong XRM na pula (HU-3300) at pagsapit sa Tullahan Bridge ay sumalpok ito sa gitnang railing ng kalsada at tumama ang bakal sa kanyang dibdib.
The post Rider patay sa bakal na railings sa QC appeared first on Remate.